Access sa Banyo ng Motor Carrier

Sa batas ng estado na 70.54 Revised Code of Washington (RCW, Binagong Kodigo ng Washington) (sa English), pinoprotektahan ang access sa mga banyo ng mga motor carrier kapag naghahatid o kumukuha sila ng mga bagay mula sa mga negosyo sa estado ng Washington. Ang motor carrier ay isang taong nagbibigay ng transportasyon sa sasakyang de-makina nang may bayad. 

Kung ikaw ay motor carrier at hindi ka binibigyan ng access sa banyo ng isang negosyo sa estado ng Washington habang naghahatid o tumatanggap ng mga bagay, pakisagutan ang form sa ibaba o tumawag sa 1-833-770-7400.

Hiwalay ang proseso para sa pag-uulat ng mga pasilidad sa daungan ng Washington na hindi nagbibigay ng access sa mga banyo at lugar ng paggagatas para sa mga trucker.

Form ng Reklamo

Online na Form ng Reklamo tungkol sa Access sa Banyo sa mga Negosyo sa Estado ng Washington - Kapag naisumite mo na ang form, makukuha na namin ang iyong reklamo. 

O kaya, puwede kang magsumite ng Naka-print na Bersiyon ng Form ng Reklamo (PDF). I-email ang form ng reklamo sa EPH.CRU@doh.wa.gov o ipadala ito sa koreo sa: Environmental Public Health (Kalusugan ng Publiko na Kaugnay ng Kapaligiran), Office of the Assistant Secretary (Tanggapan ng Katuwang na Kalihim), P.O. Box 47820 Olympia, WA 98504.

Mga bagay na dapat isaalang-alang habang sinasagutan ang form: Maaaring ibunyag sa publiko ang impormasyong nakalagay sa form na ito. Kung gusto mong hindi ka makilala, huwag isama sa iyong reklamo ang impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan. Pakitandaan na kung hindi ka magbibigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan, maaaring hindi kami makapag-imbestiga nang lubos o makapagpatuloy sa pagkilos para maipatupad ang batas.

Kapag natanggap at nakumpirma na namin ang iyong form, sisimulan na naming siyasatin ang insidente. Kung may maisip ka pang kailangang idagdag, mag-email sa amin sa EPH.CRU@doh.wa.gov o tumawag nang toll free sa 1-833-770-7400.